Kuha ni PRRD ang suporta ng gabinete para sa paparating na Halalan 2022!

Ipinarating ng mga kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP Laban na sana’y hindi ito umatras sa anunsyong tumakbo pagka-Vice President para sa paparating na Halalan 2022.

Ipinarating ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na natutuwa sila sa administrasyon dahil ikinunsidera ng mga ito ang inilabas na resolusyon ng PDP Laban para tumakbo pagka-Presidente ang Pangulo.

Magkakaroon umano sila ng national council meeting sa paparating na July 16 at ani ni Nograles dito’y, “Hopefully by that time ay makapagdesisyon na si Pangulo, at sana nga po ‘yung magiging desisyon niya ‘yong pagtakbo bilang bise pangulo ng bansa.”

Ipinaalam rin ni Nograles na ang gabinete ay suportado ang plano ni Duterte kung sakali’y tatakbo nga ito sa posisyon.

Pahayag umano ng gabinete, “Alam po naming na medyo lahat noong plano na nailatag na naming na mga programa, maganda na sana pero ginulo tayo ng COVID.”

Idinagdag ni Nograles, “Ang ayaw lang kasi ni Pangulo na baka lahat ng napagtagumpayan natin ay mabalewala after ‘yong term niya, so mabuti na ring nandiyan siya kasi ‘yong wisdom, experience at inputs niya as VP ay malaking bagay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.