Kris Aquino, binati ang ‘anak’ na si Miles Ocampo!

Para sa ika-24 na kaarawan ng aktres, sinurpresa ni Kris Aquino at ng anak na si Bimby si Miles Ocampo gamit ang isang cake, mga balloons at roses.

Kasama ng surpresa ay ang isang touching na mensahe ni Kris kay Miles,

“When you became my daughter in our teleserye, little did I know that after eight years, in real life you really would be someone I considered as my daughter.

You made me happy to take care of you because you express to all of us how thankful you are, and never we felt that you abused our generosity. For the rest of your life, you are MCA, Miles Cojuangco-Aquino. I love you, ate. Never doubt that. Through it all we are already family. We love you. Happy 24th birthday.”

Nang maitanong kung may birthday wish siya para sa anak-anakan, nagsabi lang si Kris na huwag siyang ‘gayahin’ na naging isang ina na sa edad 24.

Maaalalang noong kaarawan ni Kris noong Pebrero si Miles ang nag-surpresa rin dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.