“Kitang-kita ang malasakit, the compassion for the sick, the needy, the hungry, and the homeless.”

Ang tapang at malasakit umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rason kung bakit siya nailaklak sa pwesto, ayon na rin kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Anito, “His legacy is a tough and compassionate leadership that produced gains which reduced poverty and laid a solid foundation for the country’s continued economic growth.”

Maraming nailagay na programa ang gobyerno na nagpapakit ng katapangan at political will ng pangulo.

Idinagdag ni Nograles na, “Kitang-kita ang malasakit, the compassion for the sick, the needy, the hungry, and the homesless. Universal Health Care was extended to 110 million Filipinos, 127 Malasakit Centers with over 2 million beneficiaries of medical assistance were put up, and comprehensive hunger and malnutrition programs including the creation of the National Food Policy, among others, were put in place.”

Kaakibat pa ng mga ito ang pinakahuling programang nakatutok sa kalusugan ng nutritionally-at-risk pregnant women at children, at marami pang iba.

Ipinuna niya rin kung paanong aabot sa 929,000 na pamilya ang napamahagiaan ng socialized housing, at na sa ilalim ng administrasyon ay aabot 3 milyong pamilya ang nabigyan ng access sa ligtas at malinis na tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *