Kinukondena ni Robredo ang Calabarzon massacre na umano’y dala ng murderous regime ng kasalukuyang administrasyon

Matapos maisabalita sa buong mundo ang nangyaring massacre sa 9 na aktibista galing sa Calabarzon, nagbitaw ng napakalakas na pahayag si Vice President Leni Robredo laban sa tinatawag niyang ‘murderous regime’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani ni Robredo, “There is no other way to describe this: It was a massacre. And it came just two days after the President himself ordered state forces to ignore human rights, to kill communist rebels, and to finish them off in his rant before the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.”

Idinagdag niya, “They have to face each of us if they want to stop us from telling the truth: The Filipino people deserve better than this murderous regime.”

Mayroong siyam na aktibista ang napatay ng state forces habang anim naman ay naaresto sa ginawang operasyon ng pulisya sa Calabarzon.

Ang mga ito’y sinasabing mga ‘communist-terrorists’ ng Pulis, na mariing tnatanggi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Bilang pagtatapos, nananawagan si Robredo ng isang malinis at hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring pagpapapatay upang marigurong ang mga responsible ay mahawak sa mga responsibilidad ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *