Kinalolokohang PWD sign sa DOTr restroom lobby, pinagdududahan ng mga netizens na daan daw papunta ng Hogwarts?

Pinagkaguluhan ng mga netizens ang litratong inilabas ng Department of Transportation (DOTr) sa social media matapos magtampok ng isang PWD sign sa restroom lobby na walang pinatutunguhang daanan o pintuan dahil inilagay ito sa gitna ng pader.

Ani ni JC Punongbayan, isang columnist, sa kanyang Twitter Account,. “Comfort Room 9 ¾” daw ito.

Ang 9 ¾ ay isang direktang reference sa tampok na book and movie series na Harry Potter. Naalala umano niya ang sikat na train platform ng palabas na nagdadala sa mga karakter sa Hogwarts school.

Maraming mga Filipino netizens ang sumang-ayon sa kanya na baka nga raw ito’y daan papuntang Hogwarts.

Ani ng ilan sa Twitter,

“Harry Potter inspired. I wonder saan nakakarating? Hogwarts din kaya?,” ani ng isang Twitter user.

“Bwahaha! Lulusot sa pader ‘pag PWD,” reply ng isa pa.

“Baka HP fan mga DOTr,” at may kalakip pang GIF ng eksena galing sa Harry Potter.

Isang araw matapos ang nag-viral na tweet, may tugon ang DOTr sa kanya, ani nito, “Both comfort rooms are dedicated solely for PWDs.

“That is the reason why the doors have wide and PWD-accessible configuration.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *