Kawalan ng unified vaccination card, pahirap sa mga OFW dahil may mga bansang ‘di tinatanggap ang LGU vaccination card.
Ipinaaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ngayong sinisimulan palang ang pagiimplementa at paninimula ng unified vaccination cards, gagamit muna ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng Bureau of Quarantine-issued na yellow cards.
Itinuturo ng IATD for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kabagalan ng compliance at poor regional coverage ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa kabagalan ng proseso. Mahina umano ang uploading of data ng mga LGUs ng bansa.
Ani ni Nograles, “The Department of the Interior and Local Government will push LGUs. We’re also asking help from different leagues to help us push this some more.”
Ang kawalan ng unified vaccination card sa bansa ay nagdulot ng pagsubok sa mga OFWs na kinakailangang pumunta ng ibang bansa. Isang sitwasyong nagpapatotoo rito ay ang pagtanggi ng Hong Kong sa pagtanggap ng mga vaccination cards na LGU-issues. Ito’y pagsisiguro lamang at carefulness ng Hong Kong authorities na ang mga cards na dala ng mga Pinoy ay hindi galing sa iisang source.
Sa ngayon, ang yellow cards ay temporary na solution sa problemang ito.