Kasama si Honey Lacuna, bahagi ito sa misyon nilang mapataas ang quality of life ng mga Manilenyo!

Malugod na inanunsyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pormal na nilang binuksan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Base Community Parks and Playgrounds for Kids.

Pahayag pa ni Domagoso tungkol dito, “Sulit ang lahat nang nakita ko ang ngiti ng mga bata at ang bawat pamilyang nakatira dito.

Hindi po ito mapapalitan ng kahit na ano man.”

Ibinahagi rin nila na hindi nila titigilan ang misyon nilang maipataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.

Mensahe niya pa para rito, “Umasa kayo na mayroon kayong pamahalaang lungsod na kakalinga sa inyo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.