Kasalukuyang kumakalaban ng cancer, pero lumalaban parin si Nightbirde!

Si Jane, 30, o ‘Nightbirde’ ang Golden Buzzer choice ni Simon Cowell para sa season na ito ng America’s Got Talent.

Nag-perform si Jane ng orihinal niyang kanta na may pamagat na, ‘It’s okay’ na nagbabahagi ng kwento ng buhay niya.

Ang mismong performance at kanta ay umani ng standing ovation mula sa judges at ng audience. Idinagdag pa rito ang malungkot at nakakainspire na kwento sa likod ng kanta.

Ibinahagi ni Jane na kasalukuyang siyang kumakalaban ng cancer sa kanyang lungs, spine, and liver.

Sa likod daw ng masigla niyang itsura ay ang resolusyon niyang, “It’s important that everyone knows that I’m so much more than the bad things that happened to me.”

Sa facebook post ng official page ni Simon Cowell, na nagsabing, “She is a true inspiration, this was a very special moment.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.