Kasabay ng mga ongoing na proyekto laban sa isyu ay ang paghihikayat sa mga komunidad na magpalaki ng sarili nilang makakain!
Ang ‘Plant, Plant, Plant’ program ay susi sa pagpapababa ng bilang ng pagkagutom, lalo na sa mga probinsya.
Ang pagpapataas ng food production, paghihikayat sa mga komunidad na magpalaki ng sarili nilang gulay, at pagsisiguro ng ligtas at lumalawig na economic activity ay makakatulong umano sa pagreresolba ng hunger sa mga probinsya, ayon na rin kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Aniya, “Kailangan po talaga natin na, to really pour more economic activities in this affected regions, kaya napakalaki po nung magiging factor ng Plant, Plant, Plant pati ‘yung Build, Build, Build.”
Idinagdag ni Nograles na, “The more we can push Plant, Plant, Plant of course the more food production will happen and create more jobs also, especially sa rural areas at sa countryside.”
Ang bagong programang ito ay sumusuporta sa Build, Build, Build program ng gobyerno na makapag-bibigay ng dagdag na trabaho para sa mga pamilya nang makabili sila ng pagkain gamit ang kikitain nila.
Ipinaliwanag din ni Nograles na ang laban kontra kagutuman ay multifaceted at maraming components, kaya kailangan ang iba’t ibang gov’t agencies ay magtulungan sa pagpapabuti ng accessibility at affordability ng pagkain.