Kara David, mayroong libreng tutorial para journalism at TV reporting

Ang beteranong journalist na si Kara David ay nagbabahagi ng libreng YouTube tutorials sa Journalism at Television Scriptwriting

Ginawa niya ang anunsyong ito sa Twitter noong Biyernes. Binigyan niya pa ito ng kalakip na mensahe, “Sana makatulong sa mga estudyante ng komunikasyon at aspiring TV journalists.”

Sa kanyang youtube channel, binahagi na ni Kara ang unang tutorial tungkol sa mga basics ng TV writing.

Sabi ni Kara, ang video ay ginawa para sa teacher broadcasters ng Department of Education pero pinagpasyahan din niyang ito’y i-edit at mabigyan modification upang makatulong sa mga estudyante at mga aspiring TV journalists.

Maliban sa pagiging journalist sa dalawang dekada, nagtuturo na rin ng journalism si Kara sa University of the Philippines Diliman nang tatlong taon.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, si Kara din ay isa sa mga Kapuso journalists na nabigyan ng top news personality award noong 2020 Paragala Media Awards.

Leave a Reply

Your email address will not be published.