Kapuri-puri talaga ang dedikasyon at patuloy na pagseserbisyo ng mga guro para magbigay ng karunungan sa kabila ng pandemyang kinakaharap!
Ipinahayag ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang papuri sa mga teacher-broadcasters na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo para mabigay ng kalidad na edukasyon sa kabataan sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
Nakipagpulong si Moreno sa Department of Education (DepEd) -Manila National Teacher TV-Broadcasters sa Manila City Hall noong Lunes, Oktubre 11, upang personal na magpasalamat sa kanila. Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa mga guro na patuloy na nagbabahagi ng kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pinaghalong pagkatuto.
Ani pa ni Moreno, “Please extend my regards to our teachers and to fellow teacher-broadcasters all over the country. Please extend my gratitude as a father, as a citizen of this country for your new method of teaching this pandemic.”
Sa kabila ng pandemya, patuloy pa rin ang dedikasyon ni Moreno na matulungan ang mga mamamayan lalo na sa larangan ng edukasyon. Upang makapagbigay ng epektibo at mahusay na serbisyo sa edukasyon, #BilisKilos na mga programa ang inilunsad ni Moreno para sa mga mag-aaral at guro ng lungsod.
Ang gobyerno ng lungsod ay namahagi ng higit sa 130,000 tablets at 290,000 sim cards na may 10GB load sa mga mag-aaral upang matulungan silang makayanan ang bagong mode of learning. Bagong laptops din sa mga guro ang ibinahagi nito at bagong mga silid-aralan sa mga paaralan ang ipinatayo ni Moreno para makatulong sa mga ito.
Patuloy pa rin ang paglilingkod ni Moreno at hangad nito na ang nagawa nito sa Maynila ay mamagawa rin sa iba’t-ibang parte ng bansa para sa kaunlaran.