Kamatayan ng senior citizen sa pag-pila para sa pantry, kasalanan nga ba ni Angel?

Dinepensahan ni Agot Isidro si Angel Locsin mula sa mga intrimidang sinisisi ito para sa kamatayan ng isang senior citizen na pumila para sa birthday community pantry niya.

Matatandaang pinalalaganap ng IATF rules na bawal lumabas ang mga Senior Citizen sa bahay nila.

Libo-libo ang pumila at dumagsa sa pantry ni Angel, kasali ang senior citizen, at ito ang tinuturong rason bakit ito hinimatay, at kalauna’y pumanaw.

Kinumpara niya ang direktang tulong ni Angel sa ‘tepid’ na response ng gobyerno, na hindi pinapansin ang nutrisyon at pangangailangan ng mga mamamayan. Kahit na sila dapat ang nangunguna rito.

Itinanong pa ni Agot ito, “So sino ang kakastiguhin ninyo ngayon for the tragic death? Si Angel o ang gobyerno?”

Kilalang kritiko si Agot sa kasalukuyang pamahalaan, at marami nang insidenteng nakipagpalitan ito ng mga maaanghang na salita sa ilang opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *