Kakulangan ng funds ng mga ospital, nakakaapekto sa performance nila!
Nagsagawa ng panawagan ulit si Senator Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na pagtuunan na nila ng pansin ang mga ospital na mayroong unpaid claims dahil naaapektuhan nito ang performance nila laban sa pandemya.
Ipinuna ni Poe na sa Western Visayas palang, mayroong payable ang PhilHealth na aabot sa PHP 800M.
Ani pa ni Poe sa isang pahayag, “PhilHealth should pay up. Hospitals are battlegrounds in this fight against COVID-19. They need what’s due to them, especially in this time when a number of them are overwhelmed with patients due to the recent surge of infections.”
Idinagdag pa niya na sa Western Visayas ay kumakaharap sila ng kakulangan sa hospital beds, ng medical staff, ng vaccine supply, at dagdag pang pasanin ang utang ng PhilHealth na hindi nito binayaran.
Bilang pagtatapos, ipinaalala ni Poe dito na, “Lives are on the line every day. The people should be able to rely on the promises of the state health insurer amid the health crisis.”