Kakayanin ba nila ang Mobile Legends Professional League?

Isa sa pinakamalaking esports at gaming organizations ng Pilipinas ang nagbabalak na sumali sa Mobile Legends Professional League (MPL).

Ito’y kinumpirma ng TNC Group of Companies general manager na si Eric Redulfin noong Martes, June 22. Anito’u, “We are planning depending on the availability of the slot.”

Idinagdag niya na sa kasalukuyan ay nakikipagusap pa sila sa isang existing MPL team para sa kumpetisyong ito. Hindi niya binahagi kung sino ang grupong iyon.

Sa kasalukuyan ay mayroong renowned Dota 2 squad ang TNC Predator na ngayo’y nagkukumpleto pa sa ikalimang The International participation sa pamamagitan ng pag-panalo sa Southeast Asian spot sa regional qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published.