Kaisa sa lahat ng pagkakataon, pati ng mga mangagawa!
Simula nang nagging alkalde at naglingkod si Francisco “Isko Moreno” Domagoso, tuloy-tuloy pa rin ang pag-unlad ng lungsod at hindi na mabilang ang tagumpay na nakamit ng lungsod. Hindi maikakaila na umusbong ang Maynila sa iba’t-ibang aspeto at ang pamumuhay ng mga mamamayan. Ngunit hindi lang ang mga ito ang kanyang prayoridad, binibigyang-pansin din ni Moreno ang kapakanan ng mga negosyo.
Si Moreno ay kilala bilang business-friendly na alkalde at may malawak na pang-unawa sa usaping negosyo. Nagawang tulungan nito na mabuksan ang 6,356 na mga negosyo sa Maynila sa kabila ng pandemyang kinakaharap. Ang pagbubukas ng maraming negosyo ay isang napakalaking tagumpay na at aasahan na mas dadami ang mabibigyan ng trabaho dahil sa pagbubukas ng mga ito. Kaya naman labis ang pasasalamat at suporta ng mga taga-Maynila kay Moreno dahil sa #BilisKilos na mga programa nito na nagbibigay sa kanila ng oportunidad at pangkabuhayan sa panahon ng pandemya.
Maaalala na nung nagsimula ang pandemya, ang pagpapataw ng mahigpit na mga quarantine na protokol ay nagresulta sa isang dramatikong pagtaas sa kawalan ng trabaho. Ang kahusayang ipinamalas ni Moreno na pagbubukas ng madaming negosyo sa kabila ng pandemya ay nag-udyok labor union groups katulad ng PTGW mayroong 100,000 miyembro. Dahil sa business-friendly na pamamalakad nito sa Maynila, umaasa sila na ganun din ang magagawa nito sa buong bansa at mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga Pilipino na magkatrabaho.
Tiwala ang lahat na sa panunungkulan ni Moreno, lahat ng problema at mga dagok na dadating ay mabibigyang solusyon nito at handa nitong ipaglaban ang kapakanan ng mga mamamayan.