“Kailangang siguraduhin ng DoTr na ligtas, napapanatili ang physical distancing, at nadidisinfect ang mga ito.”
Ipinapanawagan ngayon ni Risa Hontiveros na siguruhin ng Department of Transportation (DoTr) ang ligtas na pamamasahe ng mga Authorized People Outside Residence (APORs) habang mayroong mas mahigpit na health protocols lalo na sa National Capital Region na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ipinuna ni Hontivers na ‘80% of Metro Manila users use public transfer’ at nag-gigiit ito ngayon na siguruhing mayroong sapat na Public Utility Vehicles (PUVs) upang mapaliit ang risk ng infection sa mga commuters.
Ani pa niya, “Nagkakaroon ng siksikan sa pila dahil kulang ang dumarating na sasakyan. Even before this lockdown ay may reported incidents tayo na mahaba ang pila at umaapaw ang pasahero lalo na pag rush hour, hindi ito dapat nangyayari.”
Ipinaalala ni Hontiveros na, “Mas mabilis makhawa ang Delta at hindi biro kung magkakasakit. Bawat araw na liban sa trabaho ay pagkagutom din ng mga pamilyang umaasa sa kanila.”
Gustong ipanawagan ngayon ni Hontiveros ang pagsisiguro ng suporta sa parehong commuters at PUV drivers upang maresolba ang commuter crisis habang nag-oobserba ng practice ng health protocols.