“Kailangan sila mabigyan ng tulong para magkaroon ng alternatibo at tuluy-tuloy na mapagkakakitaan.”

Inanunsyo ngayon ni Senator Grace Poe ang paglulunsad ng bago niyang proyektong naglalayong makapagbigay ng pangkabuhayan sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho sa pandemya.

Pahayag pa niya, “Malinaw nating nakikita ang laki ng epektong idinulot ng pandemya sa kabuhayan ng mga tsuper ng jeepney. Kailangang mabigyan sila ng krusyal na tulong upang magkaroon sila ng alternatibo at tuluy-tuloy na mapagkakakitaan.”

Sa ilalim nito’y magkakaroon ng 70 na benepisyaryo na makakatanggap ng livelihood package na magiging starter kit nila na ‘Negosyo sa Kariton’ na magiging tulong sa kanilang magkaroon ng bagong pagkakakitaan.

Kasabay ng Panday Bayanihan na nagdadala ng relief sa mga nangangailangan ay patuloy na nag-extend ng tulong si Poe sa mga nangangailangan lalo na ngayong pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *