Kailangan pa rin ito bilang dagdag proteksyon kontra COVID-19!

Ang pagsusuot umano ng face shield habang nakasuot ng face mask ay required pa rin daw habang patuloy na lumalaban ang bansa kontra COVID-19, ayon na rin kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang paalalang ito ay ginawa niya bilang tugon sa kailan lang na anunsyo galing kay Health Undersecretary Leopoldo Vega na nagsabing hindi na ito kailangan kung nasa ‘outdoors’.

Ngunit bago ang mga pormal na anunsyo, itatalakay muna ito sa isang IATF meeting kasama ang mga miyembro.

Leave a Reply

Your email address will not be published.