Kahit na lahat ng botante ay nabakunahan na, iiwasan pa rin maging sanhi ng superspreading ito!
Kinikilala nila Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang co-chair ng IATF for COVID-19 at ng mismong ahensya na dapat iwasang maging superspreader event ang gagawing eleksyon sa paparating na Mayo 2022.
Kinikilala nila na kahit ideally ay nabakunahan na ang lahat ng mga botante sa araw na ito ay dapat pa ring iwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga voting precincts.
Ikinukunsidera sa ngayon na magkakaroon ng ilang araw ng eleksyon, na hindi sumusunod sa dating isang araw lamang, upang hindi umano dumagsa ang mga tao upang makaboto.
Ipinuna rin nila na kailangang baguhin ng COMELEC ang mga polisiya nito sa admission ng voters kada presinto o magtatag ng dagdag na polling centers para mas maimplementa ang social distancing mandates habang kumakaharap pa ng pandemya ang bansa.