“Kahit ano ang partido mo sa pulitika, kung namatay ang dating president, magluluksa talaga ang bansa.”

Ipinagluluksa ng mga senador ang kamatayan ng dating Pangulong si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, at ipinagpugay ito bilang mabuting Pangulo na pinaglingkuran ang Pilipinas ng mayroong ‘humility, honor, at integrity.’

Ani pa ni Senate President Vicente Sotto III, “No matter what political side you’re on when a former president passes away, the country mourns.”

Sa Senado’y ibinaba na ang Philippine flag half-mast bilang pagpupugay sa dating Pangulo.

Si Senator Risa Hontiveros umano’y inaalala si Aquino bilang ‘good man’ at kinukunsidera itong ‘one of the best things that happened to the country pagkatapos ng 1986 People Power Revolution.’

Idinagdag pa ni Hontiveros na, “Nung mga taon na Presidente natin si PNoy, ang dami nating mabuting nagawa. Maraming na-repair na democratic institution.”

Habang si Senator Panfilo Lacson nama’y nagsabing ‘heartbreaking’ ang maagang pagpanaw ni Aquino. Aniya, “So sad to hear that at a relatively young age of 61, he had passed on to the Great beyond. As our country’s leader, he did not deserve to be unappreciated.”

Si Senator Francis Pangilinan naman, ang kasalukuyang president ng Liberal Party, ay tinaguriang ‘sad, painful, and heartbreaking’ ang pagpanaw nito.

At si Senate Minority Leader Franklin Drilon nama’y nagbitaw ng pahayag na, “The nation has lost a gentleman who served his country well – with all honesty, sincerity, and with the purest of intentions.”

Si Senator Grace Poe di’y nag-bigay ng tribute kay Aquino, “Sa nagbukas ng pinto ng serbisyo publiko para sa atin, maraming salamat sa iyong legasiya ng pagsisilbi ng buong katapatan at dedikasyon.”

Lahat ng mga Seandor ay nagkakaisa sa pag-gunita sa kahusayan ng mga aksyon niya habang nakaupo pa sa pagka-Pangulo at nagpasalamat sa lahat ng nagawa niya para sa bansa at para na rin sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *