Kabilang si Nograles sa linya ng mga government officials na nakatanggap na sa unang round ng Sinovac COVID-19 Vaccine
Bilang co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kabilang si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga nakatanggap ng unang round ng Sinovac Covid-19 vaccine bilang parte ng programang mabigyan confidence at kasiguruhan ang mga mamamayan ng bansa na ligtas ito.
Kasama niya ay ang official family ng Presidente, si Department of Defense Sec. Delfin Lorenzana, at si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Mayroong anim na government hospitals kung saan ang unang mga doses ng China-donated vaccines ay in-administer.
Ang mga ito ay ang Philippine General Hospital, ang Lung Center of the Philippines, ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center and Sanitarium, ang Philippin National Police General Hospital at ang Victoriano Luna Medical Center.
Ani ni Nograles, “We are here today to assure that we only mean the best for our kababayans as we roll out the government’s vaccination program.”