Kabilang ang mga WFH sa A4 priority para sa COVID-19 Vaccination!

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kahit ang mga work from home employees ay kasali sa A4 priority list ng vaccination kontra COVID-19.

“Basta importante worker ka, kasama ka sa A4.”

Nitong Biyernes naglabas ang pamahalaan ng bagong lista ng priority groups ng mga babakunahan.

Sakop sa A4 Priority Group and lahat ng mga manggagawang kinailangang lumabas ng bahay at pumasok sa opisina araw-araw.

Maaari itong makapagdala ng misconception, kaya pinaaalalahanan ni Bello na kahit ang mga work from home employees ay kasali.

“Hindi naman kailangang ispecify mo na you have to be at work all the time kasi when you’re working at home, ‘yung work-from-home arrangement, it does not mean naman na hindi ka na nagre-report.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.