Ka-live in partner ni Super Tekla, nagisa sa final episode!

Naging mainit ang huling pag-uusap nina Raffy Tulfo at ang ka live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag, noong Oktubre 27 sa last episode ng Wanted sa Radyo.

Batay sa palabas, iniyakan ito ng husto ni Bana-ag dahil sa pag-atras ni Tulfo na tulungan siya matapos sa biglaang pag-ayaw nito na magpadrug test at lie detector test. Ito’y sana para mapatunayan umano sa kanyang mga bashers na nagsasabi siya ng katotohanan, nguinit hindi naman niya ito nagawa sa takot na baka mabisto. Kaya mas lalong napagdudahan ito ni Tulfo na may itinatago ito at sa huli ay napagtanto niya na hindi ito nararapat na tulungan.

Maaring mawalay sa kanya ang anak nila ni Tekla na si Baby Angelo, sakaling mapatunayang gumagamit parin ito ng ipinagbabawal na gamot. Maging ang mga pamangkin nito ay ipa-aassess din daw sa DSWD upang malaman kung nararapat bang siya pa rin ang mangangalaga sa mga ito. Sinubukan din ng kanyang kapatid na magpaliwanag at ipagtanggol si Bana-ag pero hindi na ito pinakinggan pa.

Bukod sa pagiging mahusay sa news anchor ni Raffy Tulfo, kilala rin siya sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong sa kanyang programa. Tulad na lamang ng reklamong idinulog sa kanila ni Michelle Lhor Bana-ag na agad na natuldukan. Sa kasamaang palad, lumabas na si Bana-ag ang may problema kaya naman hindi nagdalawang isip na bawiin ang dapat na tulong na ibibigay niya rito dahil di raw ito karapat-dapat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.