JoshLia nag-trending matapos ang paglabas ng music video ng ‘Paubaya’ ni Moira

Noong Valentine’s Day inilabas ni Moira dela Torre ang music video ng kanyang kantang ‘Paubaya’ at ginulat nito ang mga netizens dahil ang nagtambal ay ang kilalang mag-ex na si Julia Barreto at Joshua Garcia.

Ang dalawa ay sumikat sa kanilang on-screen tambalan na JoshLia, at kalaunan ito’y naging totoo nang naging real-life lovers din sila.

Ang naganap sa music video ay kinikita ng mga fans bilang ‘closure’ sa relasyon nilang natapos noong nakaraang taon.

Sabi ng isang netizen tungkol dito, “Imagine how real and painful it was for Joshua while filming this mv. No need to internalize. True to life na kasi.”

Sabi naman ng isa, “The closure that JoshLia needs.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.