Janella Salvador, inilantad na nagsilang ng anak na lalaki.

Sa isang video na ni-post noong gabi ng Martes, kinumpirma ni Janella Salvador na siya at kanyang boyfriend na si Markus Paterson, ay na-welcome na ang pagdating ng kanilang anak na si Jude Trevor Paterson noong ika-20 ng Oktubre sa United Kingdom.

Sa video, ipinakita ni Janella ang kanyang manonood sa dinaanan niyang pregnancy journey. Mula sa pagdinig sa heartbeat nito, pagkakaalam ng kasarian, at ang unang paghawak niya sa kanyang anak matapos itong maisilang.

Idinagdag ng aktres na siya’y ninenyerbos ipakilala ang anak sa mundo. Ani pa niya, “If I’m going to be honest, I was quite nervouse about this day because I know how harsh this world can be. If your dad and I can have you (Jude) all to ourselves forever in our quiet world, we would, but that would be too selfish.”

Maliban sa home videos na kinuha ng couple, mayroong kasaling mga mensahe para kay Jude na galing sa kanilang pamilya.

Si Janella at Markus ay parehong 22, at kinumpirma lamang ang kanilang relasyon noong Setyembre. Kasalukuyan silang nasa United Kingdom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.