Jackpot daw siya kay Paolo Contis, great partner in life!

Napatunayan ni LJ Reyes ang kabutihan ng asawang si Paolo Contis matapos gawin ang lahat ng sakripisyo para sa pamilya nila ngayong pandemya.

Mas pinatibay ni Paolo ang kabutihan at responsibilidad nito na naa-appreciate naman ni LJ.

Ani ng aktres, “Grabe ‘yung pasasalamat ko for Paolo. Sobra-sobra ‘yung sacrifice niya na he would shield us from anything. Lagi niya akong sinasabihan na huwag na akong lumabas.”

Hindi raw pinag-grocery ng aktor ang asawa dahil sa takot na magka-COVID ito. Idagdag pa na lapitin ito ng mga anak nila kaya iwas peligro na rin.

Noong nagkakaroon na rin daw ng work ay sinabihan siya ni Paolo na may choice daw siya, kung magtratrabaho or stay at home lang muna.

Grateful daw si LJ sa choice na binigay ni Paolo sa kanya, na hindi daw niya laging nakukuhang pumili. Sa huli, pinili ng aktres na mag-stay at home lang para hindi malayo sa dalawang anak at nang makaiwas na rin sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published.