Ito ay ayon sa Bicol Representative na si Alfredo Garbin dahil iba-iba ang nagsasalita sa polisiya ng IATF.
Nanawagan si Bicol Representative Alfredo Garbin na gawing permanent spokesman si CabSec.Karlo Nograles ng IATF laban sa COVID-19.
Marami ang ‘di umano’y nalilito dahil umiiba-iba ang mga tagapagsalita nila tuwing may bagong guidelines.
“Having too many people confuses the messages, speaking unwisely about COVID-19 and the pandemic response complicates further the already herculean task. The rest do their work and let Sec. Nograles and DOH do the talking,” dagdag pa ni Garbin.
Kailangan din na mayroong agreement na si Nograles lamang ang awtorisadong magsalita sa COVID-19 para iisa lamang ang pakinggan ng publiko.