Ito ang latest statement ni Spox Roque pero nag-aapela siya sa publiko to follow health and safety protocols. Dumadami na naman kasi ang nagkakaCovid.

Doble na ang kaso ng nagkakaCovid ngayon. Ayon kay Sec. Vergeire noong Dec.25 to Jan. 2, 1,000 to 1,200 a week lang ang nagpopositibo sa Covid. Ngayon, mga 2,400 a week na ang nagpopositibo. Sa Metro Manila, dati 300-400 lang daw ngayon 1,000 na. Pareho rin ang nangyayari sa Region 7, kung saan kabilang ang Cebu, 27-30 cases dati ngayon 400 a week na.

Nakikitang dahilan sa pagtaas ang hindi pagsunod ng sa minimum health and safety protocols. Kaya nag-aapela ang mga opisyales daw sa health and safety protocols, mask, hugas at iwas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.