Itinuturing na poorest o the poor ang ating mga magsasaka’t mangingisda ayon sa datos galing PSA
Ipinaalam ng mga ekspertong nagbatay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na itinuturing ang propesyon ng pagsasaka’t pangingisda bilang ‘poorest of the poor’ ng bansa.
Idinagdag pa ng PSA na ang dalawa ang mayroong ‘highest poverty incidences’ sa Pilipinas. Mayroong 31.6% para sa pagsasaka habang 26.2% naman para sa mga mangingisda.
Ayon kay Mudjekeewis Santos ng National Academy of Science and Technology ng Department of Science and Technology (DOST), “Agriculture in general is being treated as a poor man’s sector, youth are no longer interested in farming as livelihood and opt to move into urban areas.”
Idinagdag pa ni Santos na ang red-tagging at iba pang peligrong nakadikit sa mga propesyon ay dahilan din kaya hindi na pumapasok ang karamihan sa mga ito.
Ani pa niya, “Organizations are being targeted and red-tagged. Low revenue… due to middle man system and lack of government support.”
Noong Enero 2021 nagbitaw ng pahayag ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ang mga magsasaka ng bansa ay nanganganib nang maubos sa loob ng 10 taon kung walang kabataang mahihikayat pumasok sa industriyang ito.