Itinutulak ni Senator Bong Go ang bill na naglalayong matatag ang departamentong responsable sa mga concern ng OFWs
Nananawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go upang maisabatas na at maimplementa ang isinulong nitong bill na naglalayong magtatag ng isang departamentong para lamang sa mga OFWs ng bansa.
Inulit ni Go sa isang joint hearing ng Senate Committee on Labor and Employment na gusto rin ng Pangulong Rodrigo Duterte maitupad ang pangako nitong matatag ang Department of Overseas Filipinos (DOFil).
Ipinaliwanag ni Go na, “Simple lamang po ang layunin ng batas na ito. Gusto natin na magkaroon ng isang ahensya ng gobyerno na magsisilbing timon para sa lahat ng concerns ng ating mga kababayan sa ibang bansa.”
Isa ring problema umano ang kasalukuyang migration at overseas employment functions ng gobyerno dahil ito’y kalat sa iba’t ibang ahensya ng bansa, at nakapagdulot lamang ng kaguluhan at hirap sa mga OFWs at naglalayong maging isa.
Ang ‘Department of Overseas Filipinos (DOFil) Act of 2020’ o Senate Bill 1949 ay isinulong ni Go noong Disyembre 2020, ang ikatlong iteration ng naunang isinulong noong 2019.
Diumano, ang pagsasabatas nito ay makakatulong sa gobyernong ma-streamline ang relevant state functions ng departamento para sa benepisyo ng OFWs ng bansa. At upang mas maigi ang assistance na maibibigay ng estado para sa mga pangangailangan ng OFWs.