Itinataguyod ni Moreno na matulungan at mabigyan ng economic relief ang mga Pilipino!

Ipinahayag ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso kinakailangang babaan ng pamahalaan ang buwis sa kuryente at petrolyo. Ito ay magbibigay ng economic relief para sa mga ordinaryong Pilipino, lalo na magsasaka, mangingisda at mga drayber at operator ng pampublikong sasakyan.

Ani pa ni Moreno, “Mababawasan ang kita ng gobyerno pero ang tao ang panalo dahil sa malaking pera na kanilang natitipid.”

Binigyang-diin ni Moreno na ang pagbawas sa buwis ay magbibigay ng positibong epekto hindi lang sa kasalukuyan pero pati na sa ekonomiya sa hinaharap. Ibinahagi nito naasahan na mas aangat ang ekonomiya ng bansa dahil mas marami ang mabibigyan ng oportunidad na kumita lalo na sa mga drayber at operator. Dagdag pa nito na ang pagbawas ng buwis sa kuryente ay nangangahulugan na mas maraming pagkain sa mesa ng bawat tahanan sa bansa at mas maraming pera upang gastusin sa mga pangunahing pangangailangan, kabilang na ang mga gamot. Lubos na makakatulong ito sa pamumuhay ng bawat Pilipino at magbibigay kaluwagan sa kanilang mga gastusin.

“Bagama’t nalugi ang gobyerno sa buwis, lumakas naman ang buying power ng mamamayan at bumabalik ito sa ekonomiya natin na lalong lumakas,” pahayag pa nito.

Tunay ngang maka-Masa si Moreno dahil puno ito ng dedikasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at matulungan ang mga ito. Inuuna nito ang pangangailangan at kapakanan ng mga Pilipino. Kaya naman napakaraming tao ang sumusuporta sa kanya at nagtitiwala na aangat ang bansa sa pamumuno ni Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *