Itinaas ng Phivolcs ang alert level ng bulkan matapos makitang may posibilidad ng magmatic activity.
Itinaas ng Phivolcs to Alert Level 2 ang status ng Taal Volcano.
Ani nila, mayroong ‘probable magmatic activity’ na maaaring magdala o hindi magdala sa isang pagputok. Sa ilalim din umano ng status na ito, hindi pa recommended ang paglikas.
Sa loob umano ng nagdaang 24 oras, mayroong 28 volcanic tremor episodes. 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake ang naitala ng 1.5 km sa ilalim ng Taal Volcano Island.
Ang seismic activity umano ng nagdaang buwan ay nagpapatunay ng pagtaas ng magmatic at hydrothermal activity sa ilalim ng Taal Volcano Island.