Itigil na ang takot sa commitment. Nakakabahala na ang epekto sa atras-abante at delays ng vaccination rollout sa trabaho at kumpinyansa ng tao aniya niya.

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa National Taskforce against Covid 19 na itigil na ang takot sa commitment. Magcommit na to a finalize vaccination timeline.
Nagannouce kasi ang NTF na dadating ang bakuna galing Covax facility nitong Feb. 14 pero nadelay ito at dadating na sa Feb. 26.

Nababahala na si Sen. Risa sa epekto na paiba-ibang dates at delay ng vaccination rollout. Hindi kasi tuluyang mabuksan ang ekonomiya kaya nawawalan ng kumpiyansa ang tao, nawawala ang mga trabaho at dumadagdag ang gutom. Sa tingin niya ang mga problema ng NTF naavoid kung may due diligence. Naiinis din siya kasi ginagawang excuse ng NTF ang kakulangan ng global supply ng bakuna sa mundo kaya may delay pero sabi niya ang mga bansang Bangladesh, Nepal at Pakistan na kapareho nating developing country may bukana na at nakapagsimula na magbakuna. Pareho lang naman daw ang natanggap nilang bakuna sa matatanggap natin, Pfizer at Astra Zeneca. Ibig-sabihin daw nito ang problem ay nasa NTF.

Hindi din daw dapat ginagamit panakip butas ang padating na Sinovac na idodonate ng China. Hindi naman kasi sapat ang dadating na doses at paiba-iba din ang arrival date. Higit sa lahat, wala rin itong EUA galing sa FDA kaya kahit dumating man hindi din magagamit. Panawagan ni Sen. Risa sana magkasense of urgency naman ang mga taga-NTF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *