Isko Moreno: Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao, hindi lang dahil tayo ay tiga-Maynila, kung hindi bawat mamamayan.”

Hihigit sa 1M COVID-19 vaccines ang naadminister na ng Manila City government mula nung nagsimula ang vaccination rollout noong Marso.

Itinalang pagka-9:04 AM ng July 19 ay mayroon nang aabot sa 1,000,021 COVID-19 vaccines ang na-administer ng LGU ng Manila. 657,748 dito’y nakatanggap na ng unang jab, at 342,273 mula dito ay fully vaccinated na.

Ani ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na itong laban kontra sa pandemya ay dapat pagtulungan ng mga LGU at ng mga mamamayan.

Sinabi nito na, “Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao, hindi lang dahil tayo ay tiga-Maynila, kung hindi bawat mamamayan.

Huwag tayong matatakot. Mananalo tayo. Siguradong mananalo tayo.”

Hinikayat ni Moreno ang lahat na magpa-bakuna na nga upang maprotektahan ang mga sarili mula sa severe COVID-19 infection.

Nangako rin itong patuloy na magiimplementa ang Manila City LGU ng mga inisyatibo at programa upang malabanan ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *