Isko Moreno: Hindi po titigil sa paghahatid nito hanggang mabigyan lahat ng mga lolo at lola!

Malugod na ibinalita ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ ang patuloy na paghahatid ng DEPW ng mga COVID-19 Senior Supplemental Kit para sa mga lolo’t lola ng lungsod.

Bahagi ito sa programang #BilisKilos ng Manila LGU. Ang bawat kit ay mayroong lamang Ensure milk at 100 pcs. na Vitamin C capsules para makatulong sa pagpapanatili sa nutrisyon ng mga senior citizens ng lungsod.

Pahayag pa ni Domagoso sa mga seniors, “Magpalakas po kayo.”

Bilang pagtatapos aniya, “Hindi po titigil ang paghahatid ng mga COVID-19 Senior Supplemental Kit hanggang mabigyan na ang lahat ng mga lolo at lola nating nasa masterlist.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.