Isinusulong na Department of Disaster Resilience ni Poe, kailangang-kailangan na ng Pilipinas!

Napapatunayan ngayon na ang dati pang panukala ni Grace Poe na pagkakatatag ng isang Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management ay kailangang-kailangan na ng bansa lalo na’t sunod-sunod ang mga sakunang sumasagupa dito.

Nitong nakaraan ay walang pahingang tinamaan ang Pilipinas ng lindol, bagyo, pagbaha, at masamang panahon.

Binisita lang ang Pilipinas ng Typhoon Fabian na nagdala ng napakalakas na ulan at hangin sa seaboards ng Luzon, Central at Western Visayas. Maraming flooding incidents ang naitala dahil dito, at nakapag-displace pa ng 800 katao na kinailangang lumipat ng evacuation centers para sa kanilang kaligtasan.

Kamakailan lang din ay tinamaan ng 6.7 magnitude earthquake ang Luzon na sumabay sa bagyong sumasalanta sa bansa.

Maaalalang si Poe ay nagsabi na dati na, “Dahil nga marami na ring nangyayaring mga kalamidad sa ating bansa, ay napapanahon na na magkaroon ng isang departamento na tututok sa tatlong bagay: ang pagiwas sa pagkakaroon ng trahedya, lalong-lalo na kapag may kalamidad; ang pagbibigay ng tamang responde kapag nagkaroon ng kalamidad; at ang pangatlo, ang rehabilitasyon matapos ang kalamidad.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *