Isang YouTube channel ang may kasalanan sa tsismis na lumilbot ngayon na ang komedyante’y pumanaw na!

Kinontra ni AiAi Delas Alas ang isang YouTube Channel na sinasabing siya’y pumanaw na.

Binahagi niya mismo ang screenshot ng video na may pamagat na, ‘Pumanaw na ang aktres na si AiAi Delas Alas,” at sinabing ito’y fake news at sana’y mag-unsubscribe dito.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Ano ba napapala niyo sa pag-gawa ng ganito?”

Marami umanong na-stress sa fake news na ito, dahil maliban sa kanya, marami sa kanyang mga kaibigan ang naapektuhan.

Dinagdagan niya pa ang caption ng, “Pampadami ng views sa ganitong paraan? Kung anu-ano na lang. Namatay daw ako sa sakit na diabetes!”

Healthy living na raw si AiAi ng limang taon, at sa parehong bilang ng taon na siya walang sugar sa katawan maliban na lang kung ito’y galing sa prutas at coco sugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.