Isang task force ang ibubuo upang habulin ang mga smuggle, profiteers, at hoarders ng mga produktong agrikultural habang tumataas ang presyo ng bilihin.
Isang sub-task force group ang ibubuo ng gobyerno. Ito ay sentralisado sa economic intelligence at hahabulin ang mga smugglers, profiteers, at hoarders ng mga produktong pang-agrikultura, dulot ng patuloy na paglobo ng presyo nito.
Ipinaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubuo ng grupong ito.
Ayon sa ulat ni Nograles tungkol sa mga polisiya ng Presidente ukol dito, “If there are groups or businessmen taking advantage of this pandemic to profit from the people, we are not going to let that pass.”
Nauna nang nagpataw ng 60-day price freeze ang Pangulo sa presyo ng baboy at manok. Ito ay nasa ilalim ng E.O. No. 124 na naglalagay sa presyo ng kasim at pigue sa PHP 270, sa liempo sa PHP 300, at sa dressed chicken sa PHP 160.