Isang propesor na COVID-19 positive ay nag-hospital hopping upang ma-admit ngunit kumaharap lang ng mga medical centers na punong-puno na ang capacity.

Isang propesor ng University of Santo Tomas ang nakaranas mismo ng hirap ma-admit sa ospital sa kasalukuyan.
Ang propesor na may ngalang Vanessa Villanueva ay mayroong napakataas na lagnat at hindi makatayo ang sumubok noong ika-12 ng Marso magpa-admit sa ilang mga ospital ng Manila, ngunit nakompronta lamang ng mga medical centers na napuno na.
Nauna umano siyang pumunta sa University of Santo Tomas sa Manila upang makuha ang medical niyang benepisyo dahil siya ay empleyado ng pamantasan, ngunit kailangan siyang hindi-an ng institusyon dahil umano puno na ang kanilang kapasidad.
Sumunod niyang pinuntahan ang Capitol Medical Center sa Quezon City kung saan siya binati ng sign sa ospital na nagsasabing wala nang vacancy para sa mga COVID-19 patients.
Ani niya, “Makikita mo ‘yung mga nurse talaga ‘yung hindi na nila alam sino ‘yung uunahin, ang dami pong pasyente.”
Matapos umano ay pinuntahan niya ang Fe Del Mundo Hospital na wala ring vacancy, hindi na nga makahinga si Villanueva, ika-18 pa ito sa linya ng admission.
Nahawa rin ang anak nitong 13-years-old, at nakumpirma noong ika-19 ng Marso na sila ngang dalawa ay mayroong COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *