Isang pirasong papel lamang daw na walang magandang dinala sa Pilipinas ang arbitration ruling results!
Ang pagkapanalo umano ng Pilipinas sa The Hague arbitration ruling laban sa China patungkol sa pag-aari ng West Philippine Sea ay isa lamang ‘piece of paper’ na walang ginawa para sa bansa, ayon sa Pangulo natin na si Rodrigo Duterte.
Ani nito, “Nag-file sila ng kaso, nanalo tayo. ‘Yang papel sa totoong buhay between nation, ‘yang papel ‘yan, wala ‘yan. Kung sino iyong tigas, United States, Britain ‘pag ginusto nila—”
Ito ay isang pre-recorded na video at hindi niya tinapos ang sentence na iyon.
Ngunit pagkalaklak umano ni Duterte sa posisyon, wala nang Philippine ship doon sa Scarborough shoal at puro nalang Chinese vessels.
Ani ulit ni Duterte,” Tapos sabi nila itong papel sa kaso nanalo tayo, i-pursue mo. Pinursue ko, walang nangyari. Actually sa usapang bugoy, sabihin ko sa ‘yo, bigay mo sa akin, sabihin ko, ‘P* *** papel lang ‘yan, itatapon ko ‘yan sa wastebasket.”
Ngunit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa The Hague ay nangyari noong July 12, 2016 at si Duterte ay nailaklak sa posisyon noong June 30, 2016.
Ilang ulit nitong sinisi ang naunang Pangulo dahil sa kawalan ng aksyon patungkol sa ruling, ngunit nagkaroon lang ng output matapos niyang makaupo sa pwesto.