Isang mentally-ill Fil-Am veteran ang namatay matapos luhuran ng isang pulis ang kanyang leeg sa pag-aresto

Dumarami ang mga katanungang ibinato sa Antioch Police Department ng California matapos mailabas na isang 30-year-old Fil-Am na si Angelo Quinto ang namatay habang nasa kustodiya ng mga ito.

Noong ika-23 ng Disyembre tinawagan umano ng pamilya ni Quinto ang mga pulis upang masolusyunan ang isang mental-health related incident na may kinalaman kay Angelo. Habang ito ay detained, nawalan siya ng malay at dinala na sa ospital. Kung saan namatay ito 3 days later.

Ani ng pamilya Quinto, niluhuran umano ng isang police officer ang leeg ni Angelo habang hina-handcuff ang mga kamay nito.

Idinagdag ng ina nito, nagmamakaawa umano si Angelo para sa buhay nito sa insidente. At may nakuha pang video ng nangyaring pag-aresto kung saan makikitang ang biktima ay dinugo sa nangyaring pag-aresto.

Isang buwan matapos ang insidente at saka lamang kinilala ng mga pulis ang pagkamatay ni Angelo, at hanggang ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *