Isang mangiyak-ngiyak na Baninay ang nagsiwalat ng hiwalayan sa kapwa youtuber na si Bont

Isiniwalat ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Baninay Bautista na naghiwalay na sila ng nobyong si Bont Bryan Oropel, na kapwa niya YouTube Vlogger, noong Enero.

Sa mangiyak-ngiyak na video binahagi ni Baninay ang balita. Ani pa nito, “Halos mag-two years na kami. Mahaba na rin ‘yung pinagsamahan naming. Siya ‘yung lalaki na pangarap ko. Wala akong reklamo sa ugali niya. Sobrang bait niya sa akin. Sobrang mahal na mahal niya ako.”

Idinagdag pa nito na, “Dadating pala kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan, na hindi moa lam kung anong nangyaring mali pero alam mong may mali… Alam mong may nagbago. Hindi ko alam kung anong point sa relationship naming pero alam ko na may problem ana kami.”

Hindi naman niya isiniwalat ang rason sa likod ng kanilang hiwalayan, ngunit ani na rin ni Baninay, sinusubukan pa rin nilang maging magkaibigan o civil para sa kanilang negosyo magkasama.

Bilang pagtatapos nagdesisyon umano sila na ayusin muna ang isa’t isa bago ayusin ang relasyon nila. Aniya, “Time apart lang talaga ‘yung kailangan namin… Let me grow. I’ll let you grow.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.