Isang inspeksiyon ang agad isinagawa ni Moreno sa patuloy na konstruksiyon ng pinapatayong bagong ospital sa Maynila.

Bumalik muli sa pagtatrabaho si Francisco “Isko Moreno” Domagoso at agad na nagsagawa ng inspeksiyon sa patuloy na kontruksiyon ng pinapatayong sampung palapag na fully air-conditioned na bagong ospital ng Maynila matapos maghain ng COC para sa nalalapit na halalan sa May 2022. Kasama nitong bumisita at nagmasid sina Doc Willie Ong at Samira Gutoc upang masiguro na maayos at patuloy pa rin ang konstruksiyong ginagawa.

Hindi nagsasayang ng oras si Moreno at bumalik kaagad ito sa pagtatrabaho kahit katatapos lang nitong magproseso ng kanyang kandidatura. Mas inuuna nito ang pagpapabuti ng lungsod at #BilisKilos na tinugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Isinaalang-alang at prayoridad ni Moreno ang kapakanan ng mga taga-Maynila kaya naman kitang-kita ang sense of service nito upang maitaguyod at mapaunlad ang lungsod. #IskoMoreno

Leave a Reply

Your email address will not be published.