Isang craftsman galing Cagayan ang nag-viral matapos mabida ang kanyang mga ginawang sandals na gawa sa cattle leather.

Nagviral ang post ng netizen na si Richard Bermundo Jr. matapos itong magbida ng #SupportLocalPH na content.
Bida ng kanyang post si Sir Ronald ng St. Joseph Leather Crafts and Shoe Shop na binilhan ni Bermundo ng sandals na handmade, yari sa totoong cattle leather!

Ipinaalam umano nito sa kanya na nagcucustomize rin sila ng shoes, sandals, boots, belts, at mga wallet para sa minimum fee lamang.

Tinapos ni Bermundo ang kanyang post ng mensahe na nang-eengganyo sa kanyang audience na mag-suporta sa mga local na gawa sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.