Isang babae ang nahuli sa Bureau of Immigrations dahil sa bagong modus na illegal na pagpapasok ng mga Chinese nationals sa bansa.

Pinasok ng NBI Special Task Force ang Bureau of Immigrations dahil sa entrapment operation ng isang babaeng may bitbit na illegal na pera. Ayon sa suspek na si Vivian Lara, tinggap niya ang P900,000 bilang down payment ng 3 Chinese nationals para sa pagproseso ng kanilang visa at passports papasok sa bansa. Nangyari ang incidente sa loob ng BI special prosecutor Atty. Arnulfo Maminta.
Si Lara ay empleyado ng isang law office na tumutulong di umano sa mga Chinese nationals kasama ang isang travel agencies.Itinanggi din ng suspek na may kasabwat siya sa BI at hindi siya ang nagpapapresyo sa transaction. Ito na ang bagong modus ng pagpapasok ng mga Chinese nationals matapos ma-buking ang Pastillas Scam sa airport.
Ayon sa naging pahayag ng BI, hindi nila pinahihintulutan ang anumang katiwalian sa kanilang ahensya at magkakaroon sila ng imbestigasyon sa kanilang mga empleyado at sa nabanggit na law office. Itinanggi din ng law office na sila ay may koneksyon sa suspek patungkol sa bagong modus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *