Isang abogado ang nanghihingi ng tulong online upang malaman ang nangyari sa asawang nagpaalam na bibili ng motorsiklo ngunit hindi na bumalik.

Nangangalap ng tulong si Greta Palisoc, isang abogado, upang malaman na ang karoroonan ng nawawalang mister na umalis lamang para bumili sana ng motorcycle parts sa Bicutan, Taguig City noong ika-4 ng Pebrero ngunit hindi na bumalik.

Inulat na ito ni Palisoc sa Quezon City Police at patuloy na ang imbestigasyon ng mga ito.

Ayon sa impormasyong binigay niya sa pulisya, ang asawa niyang si Febby Rich Palisoc ay umalis sa kanilang pamamahay ng 1:30 PM February 4 at nakasuot ng itim na jacket at helmet.

Huling na-trace ang mga cellphone ng asawa niya sa Pasong Buaya I, Imus noong 3:56 PM ng parehong araw.

Hindi umano alam ng misis kung sino ang posibleng nakaalitan ng mister. Mabait umano ito at matulungin. Marami ring mga empleyado at trabahante ang sumasalalay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.