Ipro-produce ni Willie Revillame na sitcom, bibidahan ng dalawang artista!

Kailan lang inanunsyo ni Willie Revillame na ang balik showbiz na si John Lloyd Cruz at sasali sa 6.6 Shopee Super Sale na produksyon niya, pero patikim lang pala ito?

Magkaka-major project pala ang dalawa, at ito’y sa isang sitcom na magsa-star sila kasama si Andrea Torres, na mapapanood sa Kapuso Network!

Kinausap din ni Willie ang ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak tungkol sa proyektong ito bilang respeto dahil ito’y home network ni John Lloyd.

Anunsyo ni Willie, “Pinayagan na si John Lloyd ni Sir Carlo magtrabaho sa production ko dahil magpa-partner kami sa isang project with the help of Miss Annette Gozon-Valdes.”

Tiyak na patok ang sitcom at magiging sentro ng intriga pa nga dahil kasama nila si Andrea, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na ngayo’y fiancĂ© ni Ellen Adarna, kung saan may anak si John Lloyd.

Leave a Reply

Your email address will not be published.