Ipinawagan ni Sen. Grace Poe na takpan ang mga bundok ng Sierra Madre at Cordillera upang maiwasan na ang pagbaha sa Cagayan at Isabela
Sa National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources ibinubuhos ni Senator Grace Poe ang atensyon dahil hindi nito napigilan ang pag-uurong para sana sa proyektong pagtatakip ng kagubatan sa Sierra Madre at Cordillera.
Ang proyektong reforestation sa mga lugar na ito umano ang maaaring makapagpatigil o makapagpahina ng kalabisan ng mga pagbabahang nangyayari kada mayroong weather anomaly.
Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng bagyong Ulysses nanganib ang buhay ng mga residente sa nabanggit na lalawigan. Kasama rito ang malawakang pagkalugi ng mga ito dahil sa mga nasirang pananim na natagpuang nagkakahalagang PHP 2.12B.
Natukoy na ng lokal na pamahalaan ng mga ito na ang pagkalbo sa mga kagubatan sa Sierra Madre Range ay pangunahing dahilan kung bakit matindi ang pagbaha.
Iginiit ni Senator Poe na ang agarang reforestation sa Sierra Madre ay makakatulong ng lubusan na malagpasan ng mga lalawigan ang unos na dala ng mga sakuna.
“Dapat hindi lamang pagtugon, kundi pag-agap at pagbangon nang mas matibay,” ani pa ni Senator Grace Poe.