Ipinarating ni Moreno na nais niyang sundan ang mga kahanga-hangang imprastraktura na ipinatayo ng kasalakuyang pamahalaan tulad ng CCLEX.

Binuhusan ng papuri ni Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapatayo ng gobyerno sa Cebu Cordova Link Expressway. Ipinahayag niya ang kanyang pagnanais na kopyahin at gawing inspirasyon ito sa kanyang mga isasagawang proyekto sa kinabukasan.

Ipinarating ni Moreno na susundan niya ang mga epektibo at magagandang nasimulan ng kasalukuyang pamahalaan upang sa gayon ay mapamahagi ang tulong sa bawat tao sa bansa. Sisimulan niya ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kamangha-manghang imprastraktura sa buong bansa.

“Favorite spot ang Cebu ng mga turista so we should invest more in the infrastructure and transportation, and we’ll invest more in the agri product with high-value crop.” Ani pa ni Moreno.

Ninanais ni moreno na palaguin ang ekonomiya ng buong bansa. Tinitiyak niya na magpapatuloy lamang ang paggawa niya ng mga #BilisKilos na aksyon hangga’t umunlad at makaahon na ang ating bansa.

“So mag-ingat kayo. Pagod na ba kayo? Ako hindi pa.” Pahayag ni Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.