Ipinarating ni Hontiveros na hindi dapat ipinagkakait ang ayuda para sa mga tao sapagkat karapatan nilang mapamahagian ng tulong.

Mariing tinutulan ni Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros ang policy proposal ng DILG na wag ibigay ang 4Ps incentives sa mga miyembro na hindi pa nabakunahan o ayaw magpabakuna. Ipinarating niya na walang anumang kondisyon ang nakasaad sa batas ng 4Ps ang nagsasabing kailangang magpabakuna ng mga benepisaryo bago makakuha ng ayuda.

“Conditions under [it] are fixed and conditionalities may be suspended because we’re still under a state of calamity until September 2022. The Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Department of Health (DOH) should work together with parent leaders to continue their efforts to promote health and wellness by encouraging 4Ps to get vaccinated, instead of making it a conditionality,” Pahayag ni Hontiveros.

Dagdag pa ni Hontiveros, kinakailangan lamang na maipaliwanag ng maayos sa mga tao ang kahalagahan ng pagpapabakuna nang sa gayon ay makumbinsi silang magpabakuna.

“Basta’t maayos ang paliwanag at may tiwala sa magpapaliwanag, magpapabakuna naman ang mga Pilipino,” Ani ni Hontiveros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *